GRABE NAMAN YON

Grabe naman yon. Yun na lang nasabi ko eh. Ang dami kasing pinagbago ng mga bagay bagay. Kung ako tatanungin, mas okay yung dati. Nung mas bata pa ko. Nung Elem at HS palang. Hindi komplikado yung buhay ko nun eh. Simpleng bagay lang ang pinoproblema ko. Yung tipong mga requirements lang. Kelan ang pasahan ng project na to, mga kelangang gawan ng script kasi may role playing ng ibong adarna, props kasi linggo ng wika, yung unang line of 7, yung unang lagapak na grade, yung crush na nagkaron na ng nililigawan, o kaya yung isususuot sa prom. Mga ganung bagay lang. Eh ngayon? Tangina. Mga seryosong bagay na ang prinoproblema ko ah. Mga problemang may kaakibat na consequences, na kung hindi mo maayos o malalampasan eh malaki ang impact sayo at sa future mo. Grabe. Kung pwede ko lang talagang balikan yung dati, gagawa pa ko ng mga kalokohang hindi ko na magagawa pag tumanda na ko. Sana sinagad ko yung mga kagaguhan ko nun. Hahaha.

May mga naging kaibigan na hindi na kinikibo ngayon pero wag ka, dati rati, sila yung kasama mo sa recess, katabi mo sa upuan, kasabay mo pag uwe. Meron din namang mga kaibigang nakalimutan mo na may samaan kayo ng loob pero pag nakasalubong mo, magngingitian kayo.

Yung mga unang crush na makita mo lang, hala sige pacute lang, pero syempre pasimple lang, yung tipong kunwari hindi ka nakatingin pero de numero ang galaw mo kasi nagpapacute ka. Shet! Namimiss ko yun! Ngayon kasi, yung crush mo na naka MU mo, may shota nang iba! Hahaha ang masaklap pa nito, hindi na kayo nagiimikan kasi may away kayo na hindi kayang daanin sa maayos na usapan. Tanginang buhay hahaha nawalan ka na ng bestfriend, nawalan ka pa ng kaMU. Hahaha boplaks na pagkakataon oh. Hahahahah! Sayang naman.

Yung una mong niligawan o unang nanligaw sayo na dati maganda o gwapo tapos magkikita kayo ngayon at masasabi mo na lang na sana pala hindi na sya tumanda hahah!! Tapos may mga pagkakataon naman na yung mga pangit at wallflowers lang noon eh gumanda o pumogi. Na yung dating makapal ang kilay, may salamin sa mata, kulot ang buhok at hindi pa nauusuhan ng rebond, maitim at pimpulin, eh pagsinearch mo sa facebook, lintik na magpakita ng dibdib, lintik na mag-eyeliner, tapos nauusuhan nadin naman ng glutathione at rebond. Hahaha iba talaga magjoke ang panahon eh no. Tanginamets.

Ay pero syempre yung iba na very conservative noon, syang mababalitaan mo na may anak na o di kaya ang magpapakasal na. Yun ba. Yung mga taong nadala sa emosyon. Hahaha, pero respect sakanila ha. Di biro ang maging magulang o asawa. HEEHEE

Eto talaga, yung mga nagpasaya ng HS o elem life mo na hanggang ngayong college at malapit ka nang magtapos, eh kasama mo padin sila hanggang ngayon. Nanatili sila sa buhay mo. Sila yung mga kaibigang pang matagalan. Na hanggang ngayon, nagkikita pa kayo, nood sine, inuman sa bahay, tambay kela ganito. Nakakatuwa na napreserve nyo yung relasyon nyo. Ang pinaka nakakatuwa pa dito, nasubaybayan nyong tumanda ang bawat isa, nasundan nyo ang pagbabago nila. Kaya ayon. Okay yun haha.

Pero dahil hindi naman maiiwasan ang panahon at ang pagtanda, kelangan mo na lang tanggapin na nakaraan na yon at utang natin dun ang kasalukuyan. Hindi tayo magiging ganito kung hindi nangyari yung mga bagay bagay dati. Ako, talaga, madaming pinagbago. Sa itsura at ugali. Madami dami nadin kasi akong naexperience. Danas kong maging masaya, maging hingahan ng sama ng loob, humingi at hingan ng tulong, magkamali ng desisyon, unang crush, unang seryosong ‘love’ punyetang yan, danas ko ding masaktan. Hahahahah pero I believe, lahat yun, kasama sa norms ng pagiging tao. Kasama ba sa buhay at hindi na mababago. Whether we like it or not, we need to feel those talaga. At dahil jan, punyeta tinatamad na kong magtype at ang baduy na hindi na ko cute. Hahaha.

4-5-13


Postado em 5-04-2013 às 5:52am.
Reblog this! / 0 notes

(via heyfunniest)


Postado em 22-01-2013 às 4:48am. Source.
Reblog this! / 39,679 notes
Sudden Burst of Tears

Ako lang ba ‘to o nagsswing din yung mood nyo ng sobra sobra? ‘Di ko naman alam kung drama lang ‘to or what pero naiinis ako sa ganitong pakiramdam eh. Bigla biglang iiyak ng hindi ko alam kung anong dahilan. OO, syempre may iniisip ako, madami. Pero alin dun yung nakapagtrigger ng pagiyak ko. Bwisit lang talaga. May clue ako kung ano pero ayokong isipin na yun talaga yung dahilan kasi iniiwasan ko na nga diba. Punyetang isip ‘to ayaw lubayan ng mga walang kwentang tao na mahilig manakit. Gets na gets ko na yung sarili ko pag iiyak eh! Una muna, sasakit yung loob ng ilong ko, tapos hanggang sa mamuo na yung tubig sa mata ko, tapos matutuyo yung lalamunan ko hanggang sa pati labi mo matutuyo na din. Hanggang sa hindi na ko makasalita. Rare yung moments na ganito pero madalas akong umiyak. Sa saya, sa pagtawa, sa pagkakaba, pero etong klase ng luha ko, minsan lang at isang tao lang ang nakakapagpalabas nito. Putang ina mo! Yan gusto kong sabihin sakanya. GRABE. Hindi ko deserve ‘to! Pero wala eh. Ganun talaga. Minsan may mga taong kapag naiisip mo lang, may nararamdaman kang kakaiba. Halimbawa, yung bestfriend kong TUNAY na walang MALISYA, pag naiisip ko sya, natatawa ako kasi nakakatawa siya. Pag naman naiisip ko yung teacher kong terror, naiinis ako kasi walang kwenta yung mga sinasabi nya. Pag naman yung bakla kong friend, natatawa rin ako kasi mapanglait sya. Pero pag yung isang taong yun, putangina, kinakabahan ako tapos kumikirot yung puso ko na parang pinupunit tapos binuhusan ng asido tas nilagyan ng asin, ang hapdi tas ang sakit sa puso, yung tipong mapapabuntong hininga ka na lang kasi naninikip yung dibdib mo. GANUN. Ayoko ng ganung pakiramdam! Shet diba? 

Sa mga ganitong pagkakataon, wala akong clue kung pano ko sosolusyonan. ‘Di ako magapag-share ng feelings sa bestfriend ko kasi sasabihin na naman nun na magMOVE ON ako. HINDI KO NGA ALAM KUNG PANO DIBA? Hahahaha! Sana naman alam mo yung word na ‘payo’ hahahaha! ‘Di ko rin masabi sa nanay at tatay ko, although alam nya yung buong story, kasi baka magkaron ng sobrang bad impression sakanya si ‘boylet ko’ ayoko naman nun kasi gusto ko pa syang maging kaibigan. Ayoko nadin magkwento sa mga friends ko kasi tatangahin na naman nila ako, OO ALAM KO NA DIBA? Hahahah! Sa ngayon, ang napagsasabihan ko na lang eh yung gayfriend ko kasi steady lang sya, magpapayo kung kelangan tapos tatahimik kung kelangan. Pero kahit ganun, kahit alam ko na yung mga sasabihin nila, MAHAL KO SILA, kasi alam kong nanjan sila pag hindi ko na talaga kaya. 

Ngayon ko narealize na ang bobo at ang selfish ko, kasi napakaDAMI kong tao na dapat ipagpasalamat sa Diyos pero hindi ko yun napapansin kasi bulag ako sa pagka-depress ko ngayon. SORRY naman.

-nica.


Postado em 21-11-2012 às 6:15pm.
Reblog this! / 0 notes
Sudden

Postado em 21-11-2012 às 5:51pm.
Reblog this! / 0 notes

sdfghjklol:

Craving for these babies. The last time I ate one of them was, what, five years ago?

(via powerpuf-f)


Postado em 20-10-2012 às 9:26am. Source.
Reblog this! / 9,417 notes

(via brndttpamplona)


Postado em 20-10-2012 às 9:19am. Source.
Reblog this! / 120,927 notes

(via ymonnn)

Postado em 20-10-2012 às 9:14am. Source.
Reblog this! / 96,653 notes

beacarlos:

himynameisnico:

Bloodlines.

If they presented Physiology this way, I’d be more focused >.<


Postado em 20-10-2012 às 9:11am. Source.
Reblog this! / 7,405 notes

Página 1 de 177 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 »